Connect with us

Health

Highly Infectious Lambda Covid-19 variant hindi pa nakakapasok sa Pilipinas -Duque

Published

on

Lambda new variant

Tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque III sa publiko kahapon na ang highly infectious Covid-19 Lambda variant ay hindi pa nakakapasok sa Pilipinas.

Aniya na kinokonsidera pa lang ng World Health Organization (WHO) ang Lambda strain na isang “variant of interest” na kinakailangan pa ng masusing pag-aaral.

Unang nakita ang Lamdba strain noong December sa Peru, simula noon, naiulat na kumalat na ito sa higit 20 hanggang 30 mga bansa. Gayunpaman, nanawagan ng mas mahigpit na border controls si Duque para maiwasan ang pagpasok ng bagong variant sa bansa.

“We should continue strengthening our border controls so that this variant cannot enter our country,” pahayag ni Duque.

Dagdag niya na dapat sumunod sa mga quarantine procedures lahat ng mga returning overseas Filipinos at ang iba pang. papasok sa Pilipinas.

Sa mga papasok ng bansa, dapat muna silang sumailalim ng 14 araw na quarantine, kung saan 10 araw sila mananatili sa isang government-identified facility at ang natirang mga araw sa kanilang mga tirahan. Kailangan din nilang kumuha ng RT-PCR test sa ika-pitong araw ng quarantine.

Samantala, ayon kay Dr. Rabindra Abeyasinghe, ng WHO representative sa Pilipinas, dapat manatiling maging maingat ang mga Filipino sa Delta variant, kahit sinabi pa ng Department of Health (DOH) na ang bansa ay “low-risk” na base sa pagbagsak ng bilang ng mga bagong kaso ng Covid-19 at health-care utilization.

Batay sa mga health officials wala pang local transmission ng Delta variant sa bansa sapagkat lahat ng mga 19 na kaso ng delta variant na naitala ng DOH ay mga returning overseas Filipinos.

Kahapon, naitala ng DOH ang 4,114 bagong kaso ng Covid-19, sa kabuuan, mayroon ng 1,445,832 mga kaso sa bansa. Ayon sa daily case bulletin, sinabi ng DOH na may nanatili pa ring 49,613 active cases o kasalukuyang may sakit na mga indibidwal.

Source: Inquirer.Net