Connect with us

Health

Higit 20k na bagong kaso ng COVID-19 sa tatlong sunod-sunod na araw ang naitala – DOH

Published

on

20k+ Covid-19 daily cases

May kabuuang 2,080,984 kaso ng COVID-19 na ang Pilipinas matapos may maitalang 20,019 bagong kaso nitong Linggo sanhi ng patuloy ng pagkalat ng Delta variant.

Ito ang pangatlong sunod-sunod na araw na ang bagong kaso sa loob ng isang araw ay mas higit pa sa 20,000.

Umabot na rin sa 157,438 ang aktibong kaso ng bansa.

May naitala ring 20,089 na bagong gumaling ang Department of Health, dahil dito, ang kabuuang bilang ng naka-recover, ay umabot na sa 1,889,312.

Samantala, 173 ang bilang ng karagdagang namatay mula sa COVID-19, kung saan umakyat na ang kabuuang bilang ng namatay sa 34,234.

Isang independent research group ang nagbabala na ang mga kumpirmadong kaso ay maaring umabot ng 30,000 sa susunod na linggo.

Habang ang DOH naman ay nagsasabing maaring pumalo sa 43,000 daily cases sa Metro Manila pagdating ng katapusan ng buwan.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, 19.9% lamang ang nabakunahan sa 70 milyong mga Pilipinong target ng gobyerno mabakunahan sa katapusan ng taon.

Nakaapekto sa halos 220 milyong mga tao ang novel coronavirus sa buong mundo, at nag-sanhi ng 4.56 milyong namatay mula nang unang naiulat ito sa Wuhan, China, noong 2019, batay sa Johns Hopkins Coronavirus Resource Center.

(Source: ABS-CBN News)