Connect with us

Health

Hinimok ang DOH na linawin ang “unclear” guidelines patungkol sa mga health workers na entitled sa SRA

Published

on

health workers unpaid risk allowances

Hinimok ng isang lawmaker ang Department of Health (DOH) na linawin at i-expand ang “definition” ng mga health workers na entitled sa special risk allowance (SRA), sapagkat lahat sila ay vulnerable sa COVID-19.

Patuloy nag-poprotesta at nagbabanta ng strike ang mga health workers dahil sa kanilang “unpaid risk allowances”. Nanawagan din sila na ibigay ang benepisyo sa lahat ng mga frontline personnel.

“If you ask me, ‘yun ang interpretation ko kasi lahat naman kayo na nasa ospital, whether you’re the security guard that checks all of these patients that enter the hospital, you are at risk,” sinabi ni House Deputy Minority Leader Stella Quimbo sa CNN Philippines’ The Source.

“And every single person in the frontline is important whether or not you handle patients directly,” dagdag niya.

Binanggit rin ng lawmaker ang isang finding ng mga state auditors patungkol sa “unclear” guidelines ng mga members ng health sector na entitled sa SRA.

Sinabi niya, na maari itong maayos sa Implementing Rules and Regulations ng department.

“May language doon sa batas na nakasulat, kailangan ‘in direct contact with COVID patients’. In other words, kung ikaw ay janitor at taga-kuha ng waste, you are clearly at risk but because you don’t handle COVID patients directly, then you are not entitled,” pahayag niya sa ulat ng CNN Philippines.

Sa isang hearing sa House of Representatives, ibinahagi ng DOH na, “initially” nag-propose sila ng ₱73.99 bilyong halaga para sa pondo ng COVID-19 response, kabilang dito ang special risk allowance, hazard duty pay, meals, accommodation at transportasyon, at life insurance ng health workers.

Ngunit, ₱19.68 bilyon lamang ang ina-prubahan ng Department of Budget and Management, kung saan sinabi ni Quimbo na masyado itong mababa kumpara sa nilabas na pondo noong Marso 2020 hanggang Hunyo 2021 na nagkakahalaga sa ₱160.97 bilyon.

Batay kay Quimbo, maari itong malutas sa pamamagitan ng pagpasa ng Bayanihan to Arise as One Act o mas tinatawag na Bayanihan 3 o kaya, magkaroon ng special provision sa 2022 General Appropriations Act, upang maging malinaw ang scope ng mga beneficiaries tatanggap ng SRA.

Pahayag niya rin na, dahil hindi maaring mabago ang ₱5-trilyong national budget para sa 2022, kailangan na lang i-adjust ang budgetary allocations sa mga ahensiya ng gobyerno.

Maari ring i-reallign ng DOH ang kanilang budget at hindi na ipagpatuloy ang mga “irrelevant projects” at magbigay ng daan para sa mga allowances at sa mga booster shots na unprogrammed pa rin.

“It’s like going to a war, and you need soldiers and you need ammunition. Your soldiers are your frontliners, your ammunition would be your vaccines,” wika ni Quimbo.

(Source: CNN Philippines)