Health
Insidente ng teenage pregnancy sa bansa, nakaa-alarma
Sa kabila ng patuloy na pagbaba ng bilang ng mga kabataang maagang nagdadalantao, kailangan pa rin itong pagtuunan ng pansin ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, sa ginanap na Kapit Kamay Summit sa lungsod ng Pasay noong Agosto 22, 2019.
Pahayag pa ni Duque, doble ang dami ng mga kabataang nabubuntis o nakararanas ng teenage pregnancy sa bansa, kumpara sa kabuuang bilang nito sa buong rehiyon ng Timog Silangang Asya.
Sa nakaraang tala ng 2017 National Demographic and Health Survey, mula sa 87 na kaso ng teenage pregnancy sa bawat 1000 pagbubuntis noong May 2013, bumaba na ito sa 47 na lamang.
Sa kabila nito, naniniwala pa rin ang kalihim na marami pang kailangang gawin ang pamahaalaan upang higit pang mapababa ang bilang ng mga kabataang nabubuntis, na nasa edad na 15 hanggang 19.
Maliban sa mga suliraning panlipunan na dulot ng teenage pregnancy, higit na nakababahala ang implikasyon nito sa kalusugan ng ina at ng sanggol. Kabilang dito ang preterm delivery o panganganak bago umabot sa eksaktong bilang ng buwan ng pagdadalantao. Kadalasang ang mga sanggol na bunga ng teenage pregnancy ay kulang sa timbang, na nakaaapekto sa kalusugan nito, at maaring humantong pa sa kamatayan.
Dagdag pa ni Duque, ito ang pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga babaeng nasa 15 hanggang 19 taong gulang, ayon sa ulat ng World Health Organization noong 2015.
Ani Duque, bilang tugon sa nakaalarmang bilang ng mga kaso ng teenage pregnancy, nagsagawa ng adolescent development program ang Department of Health, na naglalayong pangalagaan ang kalusugan ng mga kabataan. Kasama rin sa mga layunin nito ang pagsasagawa ng mga hakbang na makatutulong upang mabawasan ang mga insidente ng teenage pregnancy, gaya ng mga advocacy campaigns, pagtatatag ng mga adolescent health care facilities, pagbibigay kasanayan sa mga maaring mangasiwa ng programa upang masigurong sila ay may sapat na kakayahan na makapagbigay ng adolescent-friendly health services.
Kasama rin sa programa ang pagsasagawa ng mga pananaliksik na maaring makapagbigay ng tinatawag na multi-sectoral approach sa paglutas sa kasalakuyang suliranin