Connect with us

Health

Kamatis, maaaring maging sagot sa Vitamin D deficiency ng mga vegetarian

Published

on

Gamit ang genetic engineering, nabago ng mga mananalikdik  ang genetic makeup ng kamatis upang maging plant-based source ng Vitamin D.

Nakatutulong ang Vitamin D upang patatagin ang ating mga buto at panatilihing malakas and mga kalamnan at ngipin.

Karaniwan itong nakikita sa mga isda at dairy products kaya naman hirap ang mga naka plant-based diet na makakuha ng mahalagang micronutrient na ito.

Sa isang pag-aaral na inilabas sa scientific journal na Nature Plants Now nitong Lunes, binago ng isang grupo ng mga mananaliksik ang genetic make-up ng kamatis gamit ang CRISPR-Cas9 technology upang magkaroon ng Vitamin D precursor.

Kung ia-adopt umano ng mga magsasaka at malalaking commercial producers ang prosesong ito, masosolusyunan na ang vitamin D insufficiency, na ayon sa pag-aaral, ay nakakaapekto sa 1 bilyong katao sa buong mundo.

“This exciting discovery not only improves human health but contributes to the environmental benefits associated with more plant-based diets — often linked with a challenge in securing some key vitamins and minerals widely found and bioavailable in animal products,” ani Guy Poppy, isang propesor ng Ecology sa University of Southampton.

Kalat na sa merkado ang mga Vitamin D supplements, subalit ayon sa co-author ng pag-aaral na si Cathie Martin,  ang pagkain ng kamatis ay “so much better than taking a pill.”

“I think that having a dietary source (of vitamin D) in the form of a plant also means that you can get added benefit from eating tomatoes. We don’t eat enough fruit and veg anyway. A tomato is a good source of vitamin C as well,” aniya sa isang news briefing.|Glesi Lyn Sinag #RadyoTodo #HealthNEWS

Continue Reading