Connect with us

Health

Kaso ng Vaping Related Injuries, tumataas na

Published

on

Photo from the web.

Tumataas na ang kaso ng mga Vaping Related Injuries ayon sa tala ng US Centers for Disease Control and Prevention. Ito ay umabot ng halos 1,299 lung injury cases kumpara sa naunang datos na 1,080 na kaso mula sa 48 na estado.

Kabilang sa 1,043 na kaso na may naitala na kasarian at edad, halos 80% dito ay wala pang 35 taong gulang, 15% ay nasa 17 taong gulang pababa, at 21% ay 18 hanggang 20 taong gulang 70% sa mga ito ay pasyenteng lalaki.

Halos 27 naman ang namatay at inireport mula sa ibat ibang bansa.

Marami pang kaso ng mga namatay ang iniimbestigahan ayon sa CDC.

Nagtutulungan ang CDC, US Food and Drug Administration, ang estado at iba pang local health departments, pati na ang mga clinical at public health partner’s upang maimbestigahan ito.

Ayon sa pahayag ni FDA Acting Commissioner Dr. Ned Sharpless, “The ongoing outbreak of vaping-related lung injuries continues to underscore the need to gather critical information and provide consumers with actionable information to help best protect themselves and their loved ones.”

Dagdag naman ng CDC ang mga e-cigarettes ay di dapat gamitin ng mga kabataan, mga buntis at mga taong di pa nakagamit ng mga produktong tabacco.

Via|Trainee Mark Oliver Dearoz