Health
Unang kaso ng nCoV-related death sa Pinas, naitala


Inanunsyo ng Department of Health ngayong Linggo ang unang kaso ng pagkamatay ng isang taong nagpositibo sa novel coronavirus (nCoV). Ito ang unang naitalang nCoV-related death sa labas ng China.
Ayon sa DOH, namatay ang 44-taong lalaki sa San Lazaro Hospital noong Enero 25. Siya ang partner ng babaeng unang naitalang nagpositibo sa nCoV sa Pilipinas.
“Over the course of the patient’s admission he developed severe pneumonia. In his last few days, the patient was stable and showed signs of improvement. However, the condition of the patient deteriorated within the last 24 hours resulting in his demise,” ani DOH Secretary Francisco Duque III.
Dagdag pa ng DOH, nakikipag-ugnayan na sila sa Chinese embassy at balak umano nilang ipa-cremate ang mga labi ng nasabing Chinese National.
Bagama’t ito ang unang nakumpirmang kaso ng pagkamatay kaugnay ng nCoV sa labas ng China, hindi umano ito isang locally-acquire case, ayon sa kinatawan ng World Health Organization sa Pilipinas.Ang Pilipinas ang pinakahuling nagpatagil ng pagpasok ng mga dayuhan mula sa China, kasunod ng nauna nang travel-ban ng ibang mga bansa. Iba’t ibang mga airlines sa Asia, Europe, at Middle East ang nagsuspinde na ng mga flight sa Pilipinas.