Health
Kinondena ng DOH ang isang pharmacologist mula sa UPCM dahil sa kanyang “false claims” patungkol sa bakuna laban sa COVID-19
Kinondena ng Department of Health (DOH) ang isang “little-known” pharmacologist dahil nilalagay niya sa panganib ang buhay ng mga tao, kung saan hinihikayat niya na huwag sila magpabakuna laban sa COVID-19 na scientifically proven namang ligtas at epektibo.
“The DOH condemns health professionals who have been spreading false information regarding life-saving interventions such as COVID-19 vaccines,” pahayag ng DOH.
Pinuna ng DOH si Dr. Romeo Quijano, isang retired pharmacologist mula sa University of the Philippines College of Medicine (UPCM), dahil sa pagkalat ng “false information” patungkol sa mga bakuna at sinasabing na ang mga “influential groups” na hindi niya pinangalangan ay tinatago ang totoong epekto at bilang ng namatay sa bakuna.
“It is especially irresponsible as the country continues to face the threat of the more infectious Delta variant,” ayon sa DOH.
Bukod sa kanyang “false claims” na hindi ligtas ang mga bakuna, lalong na-criticize si Quijano dahil sa pinopromote niya ang veterinary medicine ivermectin bilang COVID-19 prophylactic kahit nagbabala ang global scientific consensus laban sa paggamit nito.
Batay sa health department, “a growing number of real-world evidence globally” ay patuloy nagpapakita ng mga benepisyong epekto ng mga bakuna laban sa COVID-19 lalo na sa pag-babawas ng hospitalizations at kamatayan.
Sa isang hiwalay na pahayag, sinabi ng UPCM Department of Pharmacology and Toxicology na, “we support evidence-based approaches to addressing the COVID-19 pandemic, including vaccination,” at pinapakita ng mga ebidensya mula sa mga pag-aaral na mas maraming benepisyo ang bakuna kaysa sa risks, kung mayroon man.
Source: Inquirer.Net