Health
Lahat ng area sa Metro Manila nasa high o critical risk na sa COVID-19; listahan ng mga lugar na nasa COVID-19 alert level 4, dumagdag


Nitong Biyernes, lahat ng areas sa National Capital Region ay naka-classify sa pagiging high o critical risk sa COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).
Pinapakita ng data na ang mga intensive care units sa walong area ng Metro Manila ay mahigit 70% na.
Ang Quezon City pa rin ang may pinaka-mataas na bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 na nasa 4,453, ito’y sinundan ng City of Manila na may 3,081, at ng Makati City na nasa 2,012 pasyente.
“All NCR areas are affected by the Delta variant,” batay kay Health spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Nang tanungin kung ito’y ba magpapa-himok sa DOH na irekomendang i-extend ang enhanced community quarantine sa capital region, sinabi lang ni Vergeire na, “Wala pa po tayo puwedeng mabigay na konklusyon.”
“We will see the effects of these lockdowns 2 to 3 weeks after the ECQ,” aniya.
Nitong Agosto 12, 2021, ang kabuuang aktibong kaso na naitala ng NCR ay umabot na sa 24,023.
Samantala, tumaas ang bilang ng mga areas na inilagay sa ilalim ng alert level 4, ito ang pinaka-mataaas na COVID-19 alert level, mula 41 areas, ngayon, 54 na.
Ang mga sumusunod ang mga areas na nasa ilalim ng Alert Level 4 ng DOH (as of August 13).
NCR
- Las Piñas
- Malabon
- Makati
- Marikina
- Muntinlupa
- Navotas
- San Juan
- Pateros
- Quezon City
- Taguig
- Valenzuela
CORDILLERA
- Apayao
- Baguio City
- Benguet
ILOCOS
- Dagupan City
- Ilocos Norte
CAGAYAN
- Cagayan
- Quirino
CENTRAL LUZON
- Angeles City
- Nueva Ecija
- Pampanga
- Tarlac
- Olongapo City
- Zambales
CALABARZON
- Batangas
- Cavite
- Laguna
- Quezon, including Lucena City
- Rizal
BICOL
- Naga City
- Masbate
WESTERN VISAYAS
- Aklan
- Antique
- Guimaras
- Iloilo
- Iloilo City
CENTRAL VISAYAS
- Bohol
- Cebu
- Cebu City
- Lapu-lapu City
- Siquijor
EASTERN VISAYAS
- Ormoc City
- Tacloban City
NORTHERN MINDANAO
- Bukidnon
- Cagayan de Oro City
- Camiguin
- Lanao del Norte
- Misamis Oriental
SOCCSKSARGEN
- Cotabato (North Cotabato)
- General Santos City
- South Cotabato
CARAGA
- Agusan del Sur
Navotas and Pateros are classified as critical risk areas
Ayon sa data ng DOH, ang Navotas at Pateros ay critical risk areas, kung saan lahat ng hospital beds ay puno na, habang ang two-week growth rate (TWGR) ay umabot na sa 353.25% para sa Navotas at 266.35% naman sa Pateros.
Ang mga hospitals sa Navotas at Pateros ay 100 percent full, batay sa data na mula sa DOH. Ayon sa local government, mayroon lamang 50 COVID-19 beds sa Navotas.
“Talagang may community transmission,” sinabi ni Navotas City Mayor Toby Tiangco sa ABS-CBN News.
“Towards the end of June, 46 active cases na lang tayo noon and now, August 13, we have 1,069 cases,” dagdag niya,
Sa kabila ng critical situation sa Navotas, pahayag ni Tiangco na hindi siya pabor na ai-extend ang ECQ sa NCR.
“If data will allow na ‘wag nang i-extend, ‘wag na sana. Hirap na lahat e,” aniya.
Nag-expand na ng testing operations ang Navotas sa 24 hours na mula sa 8 hours, saad ni Tiangco.
“Gusto pa namin bilisan pa ‘yung testing at damihan pa ‘yung testing kasi gusto namin hanapin pa kung sino pa ang nagkakahawahan,” wika ng mayor.
Source: ABSCBN