Connect with us

Health

Lambda variant, nakapasok na sa Pilipinas, unang kaso naitala ng DOH nitong Linggo

Published

on

Lambda variant

Naitala ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng Lambda variant ng COVID-19 sa Pilipinas nitong Linggo, Agosto 15, 2021.

Pahayag ng DOH na ang kaso ay isang 35 taong gulang na babae. Siya’y asymptomatic at na-tag na rin siya bilang “recovered” matapos sumailalim sa 10-day isolation period.

Sinusuri pa ng mga otoridad kung siya ba’y lokal o returning overseas Filipino (ROF). Nagsasagawa na rin ng contact tracing at case investigation ang DOH.

Unang na-detect ang Lambda variant sa Peru noong huling bahagi ng 2020 at ito’y na-classify bilang “variant of interest” ng World Health Organization (WHO) noong Hunyo 14.

Ang variant na ito, “has the potential to affect the transmissibility of SARS-CoV-2 and is currently being monitored for its possible clinical significance,” ayon sa DOH.

182 more Delta variant cases and other more variant cases

Inanunsyo rin ng DOH ang 182 karagdagang kaso ng Delta variant sa bansa na na-detect mula sa kanilang pinaka-bagong batch ng whole-genome sequencing.

Umakyat na ang kabuuang kaso ng Delta variant sa Pilipinas sa 807.

Sa 182 bagong kaso, 176 dito ay na-tag na bilang recovered, isang kaso ay nanatiling aktibo pa rin, habang apat ay namatay, at ang natitirang isa ay sinusuri pa ng DOH.

Sa karagdagang kaso, 112 ay lokal na kaso, 36 ay mga ROFs, habang ang pinagmulan ng 34 na kaso ay sinusuri pa.

Ang mga sumusunod na rehiyon ay ang mga addresses ng 112 na lokal na kaso:

  • National Capital Region – 42
  • Central Luzon – 36
  • Calabarzon – 8
  • Mimaropa – 6
  • Northern Mindanao – 6
  • Central Visayas – 4
  • Davao Region – 3
  • Caraga – 3
  • Western Visayas – 2
  • Cordillera Administrative Region – 1
  • Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao – 1

Samantala, dalawang kaso na na-tag bilang Delta variant case mula sa NCR noong Agosto 4, ay Beta variant pala matapos suriin.

Dagdag pa ng DOH, may naitala silang 41 bagong kaso ng Alpha variant, 66 karagdagang kaso ng Beta variant, at 40 kaso ng P.3 variant.

Dahil nito ang kabuuang bilang ng Alpha variant na kaso sa bansa ay nasa 2,232 at 2,483 naman sa Beta variant.

Source: Rappler

Continue Reading