COVID-19
Maaring matapos na ang COVID-19 bilang isang global health emergency ngayong 2022 – WHO Chief
Ayon sa head ng World Health Organization, maaring nang magwakas o matapos ang COVID-19 as global health emergency sa buong mundo ngayong taon.
“We can end COVID-19 as a global health emergency and we can do it this year,” sinabi ni Tedros Adhanom Ghebreyesus sa UN health agency’s executive board batay sa ulat ng Agence-France-Presse.
Upang mangyari ito, sinabi ni Ghebreyesus na kailangang magsikap pa lalo ang mga bansa na matiyak nila ang equitable access sa bakuna at treatment, ma-track ang virus at mga emerging variants nito, at mapanatilI ang mga restriksyon.
“Bridge the gap”
Ilang buwan nang sinasabi ng WHO na dapat gumawa ng paraan ang mga bansa upang mapabilis ang pamamahagi ng mga bakuna sa mga mahihirap na bansa, at nananawagan rin sila sa lahat ng mga bansa na mabakinahan ang “at least 70 percent of their populations by the middle of this year.”
Hindi naabot ang kalahati sa 194 member estate ng WHO ang kanilang target na mabakunahan ang 40% ng kanilang population sa katapusan ng 2021. At 85% ng population sa Africa ay hindi pa nakakatanggap ng ni isang dose, ayon kay Ghebreyesus.
“We simply cannot end the emergency phase of the pandemic unless we bridge this gap,” aniya.
Mahigit 5.5 milyong mga tao na ang namatay sa Covid-19 simula noong huling bahagi ng 2019 at ang bilang ng mga kaso ay umabot na sa record levels dulot ng Omicron variant.
Ngunit, kinumpirma ni Ghebreyesus na ang “explosion in cases has not been matched by a surge in deaths.” At ang Omicron ay tila nagdudulot ng less severe disease kumpara sa mga naunang variants.
Learn to live with COVID
Dagdag pa ng WHO chief na kailangang matuto tayo kung paano mamuhay kasama ang COVID.
“We will need to learn to manage it through a sustained and integrated strategy for acute respiratory diseases,” aniya.
“On the contrary,” sabi niya, “globally the conditions are ideal for more variants to emerge.”
“The potential for a more transmissible, more deadly variant remains very real.”
Gayunpaman, sinabi rin ni Ghebreyesus sa isang press conference kasama si Svenja Schulze, Germany’s development minister na “The COVID-19 pandemic is now entering its third year and we are at a critical juncture.”
“We must work together to bring the acute phase of this pandemic to an end. We cannot let it continue to drag on, lurching between panic and neglect.”
(Agence-France-Presse)