Connect with us

Health

Maaring pumalo sa 43,000 ang bilang ng daily cases ng COVID-19 sa katapusan ng Setyembre – DOH

Published

on

Covid-19 daily case may reach 43000

Ayon sa Department of Health (DOH) nitong Huwebes, maaring umabot sa 43,000 ang daily COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR) pagdating ng katapusan ng Setyembre.

“Based on a set of assumptions, daily cases in NCR for September 30 may range from 16,000 to 43,000,” pahayag ng DOH ayon sa ulat ng CNN Phippines.

Dagdag pa ng DOH na kabilang sa mga parameters ay ang ” mobility, healthcare capacities, and the public’s adherence to minimum health protocols.”

Gayunman, nilinaw ng department na ang mga bilang na ito ay simpleng “guide” lamang para sa gobyerno upang mas maging handa sila sa pag-responde sa pandemiya, lalo na sa banta na dinadala ng mas nakakahawang Delta variant na ngayon ay nakikita na sa lahat ng rehiyon ng bansa.

Base sa ulat ng BusinessMirror, dahil sa nakikitang mataas na daily case projections, nanawagan ang DOH sa national goverment at mga LGUs na ipababa ang interval sa pagitan ng case detection at isolation at striktong i-monitor ang pagsunod ng publiko sa mga health protocols.

Sinabi rin ng DOH na dagdagan ang vaccination coverage upang bumaba ang daily cases sa NCR.

Paalala naman sa publiko na patuloy suotin ng tama ang face masks, gawin ang physical distancing, at magpabakuna.

Tumaas hanggang 2,020,484 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa matapos may maitalang panibagong 16,621 na kaso ang DOH kahapon.

Noong mga nakaraang araw, nabanggit rin ng department na inaasahan nila na aabot sa “peak” ang kaso ng COVID-19 pagdating ng “mid-September.”

(Source: Business Mirror, CNN Philippines)