Connect with us

Health

“Maintain your family bubble” payo ng DOH sa publiko sa gitna ng patuloy ng pag-taas ng kaso ng COVID-19

Published

on

Family bubble

Pinayuhan muli ng Department of Health (DOH) ang publiko na umiwas sa pagsasagawa ng gatherings sa mga taong labas ng kanilang home bubble, kahit sila pa ay fully vaccinated sa gitna ng patuloy na banta ng mga coronavirus variants.

“Maintain your family bubble. If you live in one house, that is okay… But if you are going to invite somebody else coming from another bubble, you have to think twice right now, because we know that the spread of these variants of concern is increasing,” sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa CNN Philippines’ News Night nitong Martes.

“And we know that even if you are fully vaccinated, you can still get infected,” dagdag niya, binigyan niya rin ng diin na ang mga indibidwal na nabakunahan na ay kailangan pa ring sumunod sa health protocols.

Ang kaso ng COVID-19 sa buong bansa ay umabot na sa 1,676,156 nitong Martes, matapos may maitalang 8,560 bagong kaso ang DOH. Sa kabuuang bilang, 79,016 ay active cases at ito rin ang pinaka-mataas na bilang ng active cases mula pa noong Abril 24.

Ayon kay Vergeire, ang mga variants ang naging “major factor” sa mga spikes ng kaso, ito rin ang tumulak ulit sa Pilipinas na bumalik sa “high risk” classification ng COVID-19.

Upang mabawasan ang pagkalat ng virus, binigyang diin ni Vergeire ang kahalagahan ng pagbabakuna, ang early case detection, prompt isolation, strengthened healthcare capacity, at ang compliance ng publiko sa mga protocols.

Source: CNN Philippines