Health
Mandatory na paggamit ng face shields, hindi tatanggalin – Malacañang
Hindi kinokonsidera ng pandemic task force ng bansa na tanggalin ang mandatory na pag-suot ng face shields policy, ayon sa Malacañang nitong Huwebes.
Batay sa ulat ng Manila Times, nang tanungin kung may possibilidad bang matanggal ang policy na nangangailangan ng paggamit ng face shields, sagot ni Palace spokesman Harry Roque Jr. ay “Sa ngayon po, wala.”
“Pero I understand even the WHO (World Health Organization) will render an expert opinion on whether or not face shield use is justified. Hintayin po muna natin ito,” dagdag niya.
Noong nakaraan, sinabi ni Dr. Rabindra Abeyasinghe, WHO Representative ng Pilipinas, na pinag-aaralan ng organization kung nakatulong nga ba ang panggamit ng face shields sa gitna ng pandemiya.
Ngunit, inulit muli ng gobyerno na mayroong “scientific basis” sa paggamit ng face shields at malaki ang naiambang nito sa pagbawas ng infection sa Pilipinas.
May ilang mga lokal experts rin ang nagsasabi na ang pagsuot ng face shields at face masks ay nakakapagbigay ng “additional protection” laban sa Covid-19.
Subalit, ang mga lawmakers at iba pang officials ay nag-aapela sa gobyerno na tanggalin ang policy na ito, at binanggit na ang Pilipinas lamang ang nag-iisang bansa na nangangailangan ng pagsuot ng face shields sa pampublikong lugar.
Tinanong rin kay Roque kung ang policy ba ay “tied” sa korupsyon, “no relation between the two,” ang naging sagot niya.
“Ang pagsusuot nito, nakikita niyo naman sa ating briefings ay sang-ayon sa mga opinyon ng [mga] eksperto,” aniya, batay sa ulat ng Manila Times.
Ito’y dahil patuloy iniimbestiga ng Senado ang “controversial purchase” ng Department of Budget and Management sa sinabing umanong overpriced masks, face shields, at personal protective equipment.
(Currie Cator, The Manila Times)