Connect with us

Health

May naitalang 18,332 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, ito na ang pinaka-mataas na bilang kada araw nang magsimula ang pandemiya

Published

on

PH Covid-19 case 18332

May naitalang 18,332 bagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas nitong Lunes, ito ang pinaka-mataas na bilang ng bagong kasong naitala sa isang araw simula nang ma-detect ang coronavirus noong Enero 2020.

Ayon sa daily bulletin ng Department of Health (DOH), dinala ng karagdagang kaso ang kabuuang kaso sa bansa sa 1,857,646, kung saan 130,350 nito o 7% ay aktibong kaso.

Pinapakita ng bulletin ng DOH na ang positivity rate sa araw na iyon ay 24.9%. Ito ang pang-limang araw na nasa mas mataas sa 24% ang positiity rate, batay kay Edson Guido, head ng ABS-CBN Data Analytics.

Batay sa ABS-CBN Investigative and Research Group, nalagpasan ng bagong naitalang kaso ang mga kaso noong Agosto 20 na nasa 17,231, habang ang bilang ng mga aktibong impeksyon ay ang pinaka-mataas mula pa noong Abril 19 nang may naitalang 139,079 ang DOH.

Samantala, 151 ang naitalang karagdagang namatay sa COVID-19, umabot na sa 31,961 ang bilang ng kabuuang namatay, habang 13,794 ang kamakailang gumaling, dahil dito ang kabuuang naka-recover ay nasa 1,695,335, pahayag ng DOH.

“After dropping to 5,595 recoveries last August 20, this is the third straight day that the daily tally of recoveries has been above 13,000,” ayon sa ABS-CBN IRG.

Lahat ng laboratoryo ay operational noong Agosto 21, ngunit may tatlong facility ang hindi nakasumite ng data sa repository system ng gobyerno, sabi ng DOH.

Asymptomatic and Moderate symptoms mostly

Batay kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, karamihan sa mga kamakailang kaso ng COVID-19 sa bansa ay asymptomatic o nagpapakita lamang ng mild at moderate na sintomas.

“We’re seeing roughly about almost 98 percent mild, moderate, and asymptomatic for these COVID cases. We’d seen the numbers of about 1.86 percent for the severe and critical [cases],” aniya.

“This is kinda different from what we saw in April and last year when it was hovering about three percent for the severe and the critical,” dagdag niya.

Ngunit, kahit maliit na porsyento lamang ang may severe o nasa critical ang condition, ang intensive care unit (ICU) sa Metro Manila ay kasalukuyang naka-classify bilang high risk.

“Right now, the healthcare utilization rate in Metro Manila is in moderate risk. However, if you try to look into the intensive care units, it is now in the high risk position at 73 percent,” sabi ni Vega.

Pinapakita ng DOH COVID-19 bulletin na 73% ng ICU beds ang na-utilized na sa buong bansa, habang 72% sa Metro Manila.

Habang 67% na ng mga ward beds ang nagamit na sa bansa, samantala 71% naman ang occupied sa capital region.

Sa mga isolation beds, 61% ang nagamit na sa buong bansa, habang sa Metro Manila, 60% na ang na-utilized.

Samantala, ang utilization rate para sa ventilators sa buong bansa ay nasa 54% na, habang 58% naman sa Metro Manila.

Nitong Agosto 22, may 13.13 milyong mga Pilipino ang fully vaccinated na o 18.75% sa target na 70.85 milyong mga indibidwal, ayon sa data mula sa ABS-CBN Investigative and Research Group.

Dagdag nila, 17.26 milyon naman ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna.

Source: ABS-CBN News