Health
May naitalang higit 11,000 bagong kaso ng COVID-19 ang DOH; pinaka-mataas na bilang mula noong Abril
Base sa ulat ng Department of Health (DOH), may naitalang 11,021 bagong kaso ng coronavirus nitong Sabado, Agosto 7.
Ang bilang ng bagong kaso nitong Sabado ang pinaka-mataas na single-day tally mula pa noong Abril 17, kung saaan may naitalang 11,101 ang DOH.
Ang kabuuang kaso na ngayon ng Pilipinas ay umabot na sa 1,649,341, sa mga ito, 76,063 ay active cases. Ito rin ang pinakamataas na bilang ng active cases simula pa noong Abril 25, na may 77,075 active cases.
Ang seven-day average ng mga bagong kaso ay nasa pinaka-mataas na bilang rin mula pa Abril 25.
Umabot sa 162 ang naitalang mga namatay nitong Sabado, ito’y nagdala sa kabuuang bilang ng namatay sa Pilipinas na sanhi ng COVID-19 sa 28,835.
Samantala, may 9,194 na naka-recover, kung saan ang kabuuang bilang ng recoveries ay nasa 1,544,443.
Ayon sa DOH, mayroong “positivity rate of 19.1% out of 56,636 tests” sa kanilang bulletin. Ito’y tumutukoy sa percentage ng mga taong nagpositibo mula sa kabuuang bilang ng mga na-test.
Itong mga positibong kaso ay idinagdag lamanag sa bilang ng mga kumpirmadong kaso nang matapos ito masuri. Nakakatulong ang prosesong ito para matiyak na ang mga naitalang kaso ay hindi nag-dodoble at lahat ng mga resulta ng test ay naisumite, paliwanag ng DOH.
Ang positivity rate nitong Sabado ay mas mataas kumpara noong Agosto 6 na nasa 18.4% at sa Agosto 5 rin na nasa 17.3%.
Batay sa DOH, lahat ng mga testing hubs ay operational noong Agosto 5, at may tatlong laboratoryo daw na hindi nakasumite ng kanilang data sa oras.
Nakakaranas ngayon ang Pilipinas ng bagong surge ng mga kaso dahil sa mas nakakahawang Delta variant. Nitong Biyernes, Agosto 6, hindi baba sa 450 na kaso ang na-linked sa Delta variant.
Mayroong ng naitalang kaso ng Delta variant sa lahat ng localities sa Metro Manila.
Source: Rappler