Connect with us

Health

May naitalang mahigit 12,000 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa, ito ang pinaka-mataas na bilang simula pa noong Abril

Published

on

PH Covid19 case

May naitalang 12,021 bagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas nitong Miyerkules, ito ang pinaka-mataas na bilang mula pa noong Abril, umakyat rin sa 81,399 ang bilang ng active cases.

“This is the first time in four months that the daily case tally exceeded 12,000,” ayon sa ABS-CBN Investigative and Research Group (IRG).

Ang huling beses na may naitala ang DOH na higit pa sa 12,000th mark ay noong Abril 10, na may 12,674 bagong kaso at noong buwan din ng Abril ang may nakitang record-high spike ng COVID-19 infection sa bansa.

Ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa ay umabot na sa 1,688,040, kung saan 81,399 o 4.8% ay active, ito’y batay sa latest bulletin ng Department of Health (DOH).

Pinapakita ng data, na ito ang 7th straight na araw na ang bilang ng karagadagang kaso ay higit sa 8,000.

Dagdag pa ng DOH na ang positivity rate ay nasa 21.9%, batay sa mga resulta ng pagsusuri ng 38,478 indibidwal na na-screen para sa virus nitong Lunes.

Ang intensive care unit (ICU) utilization ng Metro Manila ay nsa 69% habang ang ICU occupation rate sa buong bansa ay nasa 68%.

Samantala, ang kabuuang bilang ng namatay dahil sa COVID-19 ay umabot na sa 29,374, kabilang dito ang 154 karagdagang namatay.

Tumaas rin ang bilang ng naka-recover na nasa 1,577,267, kabilang dito ang karagdagang 9,591 na gumaling.

Ngunit may tatlong laboratorya ang hindi nakapag-sumite ng data sa oras. Ang tatlong laboratorya na ito ay nag-aambag sa 2% ng mga sampol na na-test at 1.2% ng mga nag-positive na indibidwal sa average sa nagdaang 14 na araw.

Samantala, 137 duplicates, kasama rito ang 129 recoveries ay tinanggal sa kabuuang bilang ng kaso.

Ayon sa DOH na may tatlong kaso na initially na-tag na bilang “recovery” ngunit, napag-alaman na active cases pala ito, at 112 na kaso na nakaraang na-tag rin bilang recoveries ay ni-reclassify sa “deaths” matapos suriin.

Source: ABSCBN, Inquirer.Net

Continue Reading