Health
May naitalang second-highest daily count ng karagdagang kaso ng COVID-19 ang bansa na umabot sa 13,177 – DOH
May naitalang 13,177 karagdagang kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH) nitong Biyernes, kung saan umakyat ang bilang ng aktibong kaso sa 96,395.
Ayon sa DOH, ang kasalukuyang aktibong kaso ay nasa 5.6% ng 1,713,302 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong bansa.
Dagdag pa ng DOH, ang kabuuang bilang ng mga pasyenteng naka-recover na ay 1,587,069, kabilang na dito ang karagdagang 4,322 na gumaling sa sakit. Ngunit, may karagdagang 299 na pasyente ang namatay, dala nito ang kabuuang bilang ng namatay sa COVID-19 sa 29,838 nitong Agosto 13.
Ang 13,177 bagong kaso ng coronavirus ay itinuturing, second-highest daily count. Ang pinaka-mataas pa rin ang naitalang kaso noong Abril 2 na nasa 15,310 new infections, ngunit kabilang sa naitala noong Abril 2 ang 3,790 case backlogs.
Ayon sa data na mula sa health agency, 23.6% ng 57,355 pasyente na na-test para sa SARS-CoV-2 ay nakitang positive sa virus nitong Miyerkules.
Lahat ng laboratoryo ay operational nitong Miyerkules, sabi ng DOH, ngunit may apat na hindi nakapag-sumite ng kanilang data sa oras, kaya hindi ito nakabilang sa ulat nitong Biyernes.
Nag-aambag ang apat na laboratoryo ng 2.1% ng mga sampol na na-test at 1.5% sa mga naging positibong indibidwal sa average, base sa data noong dalawang linggo.
Samantala, 238 ng duplicate, kabilang ang 229 recoveries ay tinanggal sa kabuuang bilang ng mga kaso. Sampung kaso na na-tag bilang recovery noong una, ay napag-alaman na aktibong kaso pala. Habang, 175 na kaso na naka-classify bilang recoveries ay inilapat sa “deaths” matapos suriin.
Pataas ng pataas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa mga nakaraang linggo, at sinasabi rin ng DOH na may naitatalang “new peaks” kada linggo.
Dagdag pa nito na may 10,459 average daily new cases mula noong Agosto 6 hanggang 12, ito ay mas mataas kumpara sa average cases noong Hulyo 30 hanggang Agosto 5 na nasa 7,987.
Hinihimok ng DOH ang mga local government units na mag-implement ng “active case finding” sa mga positibong kaso, lalo na’t ipinapalagay na may community transmission ng mas nakakahawang Delta variant na ang Pilipinas.
Source: Inquirer.Net