Connect with us

Health

MGA BABAENG NAKARARANAS NG MATINDING MENSTRUAL PAIN SA SPAIN, MAAARING MABIGYAN NG TATLONG ARAW NA MENSTRUAL LEAVE KADA BUWAN

Published

on

Photo from hopkinsmedicine.org

Binabalak ng pamahalaan ng Spain na bigyan ng hanggang tatlong araw na menstrual leave kada buwan ang mga empleyadong nakararanas ng matinding menstrual pain.

Ang polisiyang ito ay bahagi ng mga  binabalangkas nilang health measures na naglalayong protektahan ang menstrual and reproductive health ng kanilang mga kababayan.

Ayon sa secretary of state for equality ng Spain na si Angela Rodriguez, tulad ng pagbibigay ng konsiderasyon sa ibang may sakit, dapat din umanong payagan ang isang nakararanas ng  napakasakit na monthly period na magpahinga sa bahay.

“If someone has an illness with such symptoms a temporary disability is granted, so the same should happen with menstruation – allowing a woman with a very painful period to stay at home,” sinabi ni Rodrigues sa isang panayam ng El Periodico paper.

Lumalabas sa isang pag-aaral na inilabas ng British Medical Journal na aabot sa 20 porsiyento ng mga kababaihan edad 25 pababa ang napipilitang lumiban sa paaralan o trabaho dahil sa masakit na period.

Dagdad pa riyan, aabot sa 40 porsiyento ang nagsabi na nababawasan ang kanilang konsentrasyon sa trabaho dahil sa nararamdamang matinding sakit.

Kasama sa mga isinusulong sa health policy ay ang pagtatanggal ng parental permission bilang requirement para sa mga babaeng edad 16 at 17 na gustong magpa-abort.

Kung maaaprubahan, ang Spain ang magiging kauna-unahang kanluraning bansa na magbibigay ng menstrual leave.

Walang ibang bansa sa Europa o America ang kasalukuyang nagu-offer ng menstrual leave policy, subalit may mga bansa na sa Asya at Africa, tulad na lamang ng Japan, South Korea, Indonesia, at Zambia, ang gumagawa nito.

Inaasahang maaprubahan ang polisiya sa susunod na linggo.

Source: Badcock, J. (2022). Three-day mestrual leave offered to European women first. Retrieved from www.thetelegraph.co.uk

Continue Reading