Health
Mga Fully vaccinated, hindi na kailangan ng RT-PCR test ayon kay Spox Atty. Roque
Ang mga Interzonal travel para sa mga fully vaccinated na indibidwal ay niluwagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Ang interzonal travel ay ang galaw ng mga tao sa pagitan ng mga probinsiya, highly urbanized cities at mga independent component cities na may mag kaibang quarantine classification.
Pahayag nang Palace spokesman Harry Roque kahapon, Linggo, na ang vaccination card o ang certificate of quarantine completion ay sapat na alternatibo sa anumang testing requirement na kinakailangan ng local government units (LGU’s)
“Tama na po ‘yung certificate of vaccination at hindi na kinakailangan magpakita ng RT-PCR (reverse transcription polymerase chain reaction)”, pahayag ni Roque.
Parehong polisiya para din sa mga fully vaccinated na mga senior citizens. Ayon kay Roque ang mga travelers ay kailangan pa din dumaan sa health screening pagdating sa kanilang destinasyon.
Kung ang fully vaccinated na indibidwal ay nagkaroon ng close contact sa isang probable o confirmed Covid-19 case, kailangan nilang dumaan sa 7 araw na quarantine period. “only if they remain asymptomatic for the duration of the 7 day period”.
Ayon pa kay Roque, ang testing ay kailangang isagawa sa ika-5 araw, matapos ang huling petsa ng exposure.
Kung ang indibidwal ay naging asymptomatic o nag positibo sa Covid-19, saka pa lamang isasagawa ang prescribe na mga testing at isolation protocols.
Dagdag pa ni Roque na hindi na kailangang i-quarantine ang mga close contacts na lampas na sa 7 araw nang huling exposure at nanatiling asymptomatic.
Samantala, ang intrazonal movement ng mga fully vaccinated senior citizens sa ilalim ng general communtiy quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ) ay pinapayagan na.
Pinapayagan na din ng IATF-EID ang mga interzonal travel mula sa National Capital Region Plus sa mga lugar na nasa GCQ at MGCQ, ngunit kailangan pa din sumunod sa mga restriskyon ng bawat LGU.
Pinapayagan na din ang intrazonal travel sa loob ng NCR plus areas, ngunit limitado pa din sa pag kuha lamang ng essential goods.
Source: ManilaTimes.Net