Health
Mga kabataang edad 12-17 pinayagan ng FDA na mabakunahan ng Moderna vaccine


Ina-prubahan ng Philippine Food and Drugs Administration (FDA) kahapon, Sept. 3, ang emergency use ng Moderna Covid-19 vaccine para sa mga kabataang edad 12-17. Ayon kay FDA chief Eric Domingo.
Ito’y dalawang Linggo matapos humingi ng amiyenda o pagbabago ang US firm, sa nakaraang emergency use authorization nito. Sinabi ni FDA chief Domingo ang mga vaccine expert panel ng bansa at ang mga regulary experts ng ahensya ay nag bigay ng go signal na gamitin ang Moderna coronavirus na bakuna para sa mga kabataan.
Sinabi din ni Domingo na mayroon din pero bibihirang kaso ng myocarditis, o pamamaga ng heart muscle, ngunit ang presensiya ng mas nakakahawang Delta variant ang nag udyok sa mga eksperto na aprubahan ang pag-gamit ng Moderna para mabakunahan ang mga kabataang Pinoy.
“With the Delta variant affecting a lot of children, nakita ng mga experts na the benefits of the vaccine outweigh the risks”. Ayon kay Domingo sa isang virtual briefing.
(Source: CNN Philippines)