Connect with us

Health

Mga kabataang may edad 12 hanggang 17, maari nang mabakunahan pagdating ng Setyembre o Oktubre – Galvez

Published

on

adolescent vaccination

Maaring magsimula na ang pagbabakuna sa mga bata at teenagers laban sa COVID-19 pagdating ng katapusan ng Setyembre o Oktubre, ayon kay national vaccine manager Carlito Galvez Jr.

“We are trying to look na maybe by the end of September or October, we will open up to adolescent vaccination,” pahayag niya sa isang press conference matapos dumating ang 326,400 Moderna doses para sa gobyerno at private sector sa NAIA Terminal 3.

“We proposed really to the NITAG [National Immunization Technical Advisory Group] and also to our experts that we have to include children as soon as possible considering that they will be also vulnerable, particularly those children with comorbidities,” sabi ni Galvez.

Kamakailan, dahil sa patuloy na pagtaas ng infections sa bansa, mas maraming bata na ang na-aadmit sa Philippine General Hospital (PGH), ayon kay spokesperson Jonas del Rosario.

Batay rin kay Galvez, na kailangan ng 26 milyong doses ng bakuna para sa mga kabataan sa bansa, “We will start from 12 to 17,” aniya.

Hanggang ngayon, ang Pfizer lamang ang binigyan ng emergency use authorization ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) para gamitin na bakuna sa mga may edad na 12 hanggang 15.

“Once that we have supply of those vaccines, we can start. For as long as experts already allowed us to use these vaccines for 12 years and above or maybe three years and above,” ayon kay Galvez.

May nabakunahan nang mahigit 10% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas sa ngayon, sabi ni Galvez.

Source: GMA News, Inquirer.Net

Continue Reading