Connect with us

Health

Moderna na bakuna mas epektibo laban sa Delta variant kumpara sa Pfizer at BioNTech, ayon sa isang pag-aaral

Published

on

Covid19 vaccines

Ang mga sumusunod ay ang roundup ng mga latest scientific studies patungkol sa novel coronavirus, mga efforts para makahanap ng treatment at bakuna laban sa COVID-19.

Moderna’s vaccine may be best against Delta

moderna vaccine

Ang mRNA na bakuna mula sa Pfizer at BioNTech ay maaring less effective kumpara sa Moderna laban sa Delta variant, ayon sa dalawang report na pinost sa medRxiv ahead ng peer review nitong Linggo.

Sa isang pag-aaral ng mahigit 50,000 na pasyente sa Mayo Clinic Health System, natuklasan ng mga researchers na ang effectiveness ng Moderna vaccine laban sa infection ay bumaba sa 76% noong Hulyo, kung saan dominante ang Delta variant – mula sa 86% nang nagsisimula palang ang taong 2021.

Sa parehong period, ang effectiveness ng Pfizer/BioNTech na bakuna ay bumaba sa 42% mula sa 76%, batay sa mga researchers.

Pero, parehong nanatiling effective pa rin ang dalawang bakuna sa pag-iwas ng COVID hospitalization, ngunit, sa mga nagpabakuna ng Pfizer o Moderna nitong taon, maaring kinakailangan nilang magpa-shot ng Moderna booster, ayon kay Dr. Venky Soundararajan ng Massachusetts data analytics company nference, siya ang nanguna sa Mayo study.

Sa isang hiwalay na pag-aaral, nag-produced ng mas malakas na immune responses, lalo sa mga “worrisome” variants ang mga nakakatandang residente ng nursing home sa Ontario matapos silang mabakunahan ng Moderna vaccine kaysa pagkatapos ng Pfizer/BioNTech vaccine.

Ang mga elderly ay maaring mangangailangan ng mas mataas na vaccine doses, boosters at iba pang preventative measure, batay kay Anne-Claude Gingras ng Lunenfeld-Tanenbaum Research Institute sa Toronto, siya ang nanguna sa Canadian study.

Nang may humiling na magbigay ng kumento sa dalawang research report, sinabi ng isang Pfizer spokesperson, “We continue to believe… a third dose booster may be needed within 6 to 12 months after full vaccination to maintain the highest levels of protection.”

Breakthrough COVID-19 more likely months after vaccination

Ang mga taong nakatanggap ng kanilang pangalawang dose ng Pfizer/BioNTech na bakuna pagkatapos ang limang buwan o higit pa, ay mas malamang magiging positibo sa COVID-19 kumpara sa mga taong na fully vaccinated na nang mas mababa pa sa limang buwan ang nakalipas, suggest ng bagong data.

Pinag-aralan ng mga researchers ang 34,000 fully vaccinated adults sa Israel na na-test kung may makikita silang breakthrough sa mga kaso ng COVID-19.

Sa pangkalahatan, may 1.8% ang na-test positive.

Sa lahat ng pangkat ng edad, ang possibilidad na maging positive sa COVID-19 ay mas mataas kapag ang “last vaccine dose was received at least 146 days earlier,” pahayag ng isang research team nitong Huwebes sa medRxiv ahead of peer review.

Sa mga pasyente na mas matanda sa 60, ang possibilidad na maging positive sila ay 3 times higher kapag 146 na araw na ang nakalipas simula nang natanggap nila ang kanilang pangalawang dose.

Karamihan sa mga bagong infection ay ino-obserbahan kamakailan lamang, sinabi ng coauthor na si Dr. Eugene Merzon ng Leumit Health Services sa Israel.

“Very few patients had required hospitalization, and it is too early to assess the severity of these new infections in terms of hospital admission, need for mechanical ventilation or mortality,” dagdag niya. “We are planning to continue our research.”

Ovarian egg sacs not harmed by COVID-19 antibodies

Ovarian egg sacs

Ang mga sacs sa ovaries, kung saan naka-store ang eggs ay hindi mapapahamak sa COVID-19 antibodies, kahit ang mga antibodies na iyon ay resulta ng infection o vaccination, ayon sa isang small study.

Sinuri ng mga Israeli researchers ang fluid mula sa mga ovarian sacs, o follicles, na nanggaling sa 32 mga kababaihan kung saan pinapakuha nila ang kanilang eggs para ma-fertilized ng sperm sa isang test tube.

Labing-apat sa mga kababaihan ay hindi nabakunahan laban sa coronavirus at hindi rin sila na-infect nito. Habang ang iba naman ay naka-recover na mula sa COVID-19 o nakatanggap sila ng Pfizer/BioNTech mRNA vaccine, at sa dalawang grupo, ang mga researchers ay nakakita ng mga antibodies laban sa virus sa follicle fluid.

Walang pag-kakaiba sa mga grupo sa ability ng follicles na gumawa ng female sex hormones, mag-nourish at mag-nurture ng egg para ito’y maka-form ng ” good quality embryo” at ang paglabas ng eggs sa ovulation.

Wala rin pagkakaiba ang “rate of good quality embryos from the eggs retrieved from each patient,” batay kay Dr. Yaakov Bentov of Hadassah-Hebrew University Medical Center sa Jerusalem, siya ang nag-coauthored ng isang report na na-published nitong Sabado patungkol sa Human Reproduction.

Source: GMA News