Health
Naglaan ng ₱45 bilyon ang gobyerno para sa booster shots
Kabilang sa proposed national budget para sa susunod na taon ay ang ₱45 bilyong procurement ng COVID-19 booster shots.
“We have a budget entry for a booster shot for all Filipinos,” sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque sa regular news conference sa Malacañang.
Ayon sa isang official, maglalaan ng ₱45.3 bilyong pondo ang gobyerno para sa COVID-19 booster shots sa ilalim ng kanilang 2022 budget, kahit wala pang konklusyon ang mga health authorities kung kailangan ba talaga ng pangatlong dose.
“In the 2022 budget, we have a budget entry for booster shots for all Filipinos. Ang halaga po ng booster shot is P45 billion,” ayon kay Roque.
“Lahat tayo mabibigyan ng booster shot kasi and’yan na ‘yan sa budget. Wala na pong issue ‘yan,” aniya.
Hindi pa malinaw kung ilang doses ng bakuna ang masasakop ng budget. Ngunit, may na-aprubahan ng walong brands ang Pilipinas para sa emergency use, kabilang dito ang Pfizer at partner BioNTech at Moderna, kung saan sisimulan nang i-offer ito ng United states bilang boosters sa susunod na buwan.
Ang pinakamaraming brand ng bakuna na na-adminster na sa bansa ay ang Chinese-made Sinovac jabs.
Sa mga nagdaang linggo, nagsimula nang mag-offer ng booster shots ang mga bansang Israel, France at Germany para sa mga older adults at mga taong may mahinang immune system.
Nitong Huwebes, sinabi ng Department of Health (DOH) na nag-plaplano silang isama ang booster shots sa pag-draft nila ng budget ng kanilang agency para sa susunod na taon.
Hindi pa na-aprubahan ang paggamit ng boosters sa bansa, pero ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ang grupong na naatasan pag-aralan ito ay makakakuha na ng resulta “in the next month or two.”
Kahit sa Enero pa magkakabisa ang 2022 national budget, maari nang magsimulang mag-procure ang mga otoridad ng booster shots ng mas maaga sa pamamagitan ng lending institutions, kung kailangan, sabi ni Roque.
With reports from ABS-CBN News and Inquirer.Net