Health
OCTA, nag-aalala dahil sa patuloy na pag-taas ng positivity rates sa NCR
Ayon kay Guido David, bahagi ng OCTA research group, na maaring hindi umabot sa projection ng grupo ang bilang ng kaso ng COVID-19 kung patuloy tumataas ang positivity rate sa Metro Manila.
“Honestly, I am starting to get really concerned,” sinabi ni David sa isang tweet. “The positivity rate has suddenly spiked after being stable for sometime.”
Pinakita niya ang larawan na naglalaman ng positivity rates sa National Capital Region nitong buwan ng Agosto, kasama ang pinakabagong record at yung pinaka-mataas na naitalang rate noong Agoso 26 na nasa 25%.
“I hope I am wrong but I think the R in NCR is about to increase again,” dagdag niya, tinutukoy niya ang bilang ng reproduction number.
Ang pinakamataas na naitalang positivity rate sa buong bansa ng Department of Health ay umabot sa 27.5% base sa naisagawang 71,620 tests noong Agosto 26.
Bukod pa dito, may naitala ring bagong pinaka-mataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw nitong Sabado na nasa 19,441.
Kung ang positivity rate ay mas mataas sa 20%, ito’y nasa critical level, ibig sabihin, “inadequate” ang mga testing efforts. Ito’y ayon sa US nonprofit Covid Act Now, na ginagamit na basis ng OCTA para sa kanilang projections.
Batay sa Covid Act Now, ang area ay may ” adequate testing” kung ang positivity rate ay mas mababa sa 3%.
Itinakda ng World Health Organization na ang standard ng positivity rate sa mas mababa sa 5% upang maipahiwatig na control ng isang area ang infection.
“If the spike in positivity rate does not continue, then we could still be on track for our original projections,” aniya. “Otherwise, this will last longer than we thought, or hoped for.”
Nabanggit rin ni David, ang 5,085 na bagong kaso sa Metro Manila at may reproduction number na 1.47, kung saan sinabi niya na hindi pa ito nagpapahiwatag ng “increase.”
Ngunit, ayon sa Covid Act Now’s metric, ang bilang na ito ay nasa critical level ng higit sa 1.4, ibig sabihin, ang mga kaso ay “increasing exponentially.”
Noong mga nakaraang araw, naitala ng OCTA ang pagbaba ng growth at reproduction rates sa NCR, at inaasahan nila na bababa ang mga kaso sa susunod na buwan.
Source: CNN Philippines