Connect with us

COVID-19

Oral anti-viral drug na Molnupiravir, nakikitang “active” laban sa Omicron variant – Expert

Published

on

Molnupiravir

Ayon sa isang clinical investigator mula sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC), ang experimental Covid-19 medication na Molnupiravir ay maaring “active” laban sa bagong Omicron variant.

Base sa third phase ng global study para matukoy ang epekto ng Molnupiravir, nagpakita ito ng consistent efficacy laban sa ibang variants ng coronavirus na nagdudulot ng Covid-19, ito’y ayon kay Dr. Joel Santiaguel, clinical investigator ng QMMC sa Quezon City.

Ngunit, binanggit niya na ang mga specific studies na nag-eevaluate ng pill laban sa bagong variant ay hindi pa nasasagawa.

Ang Molnupiravir ay ang pinaka-unang oral antiviral drug na nagpapakita na napipigilan nito maging malala ang iyong sakit.

Originally, ginawa ito para i-treat ang flu, pero sa clinical trials nakita na ang anti-Covid medication “cut the risk of hospitalization or death by 50%” kung ibinigay ito bilang five-day regimen sa mga pasyente na may mild o moderate Covid-19.

Ipinaliwanag ni Santiaguel na ang Molnupiravir ay active laban sa ibang variants sapagkat ” it worked inside the core of the virus.”

“Doon sa core or inner mechanism nagwo-work yung molnupiravir and not doon sa surface or superficial na spike protein niya. So kahit magka-variation ng mutation at changes doon sa spike protein, active pa rin yung molnupiravir mo against the virus,” aniya.

Noong Nobyembre, ang Britain ang unang bansa na nag-apruba ng paggamit ng pill para sa mga pasyente na may mild hanggang moderate na Covid-19.

(GMA News)