Health
Pag-aalaga ng aso, nakakapagpalusog ng puso
Hindi lamang love and loyalty ang kayang ibigay sa atin ni Bantay. Nakapagpapalusog din umano sila ng puso base sa pag-aaral na isinagawa kamakailan lamang ng Kardiozive Brno 2030. Natuklasan ng mga eksperto na ang mga taong may alagang aso ay karaniwang mas aktibo, may maayos na diyeta, at mas stable na blood sugar level kumpara sa mga taong walang mga alaga.
Sa naturang research, pinag-aralan sa Czech Republic ang 1,796 kataong walang history ng heart diseases sa nakalipas na limang taon.
Ang pagsu-score sa health conditions ng mga respondents ay ibinase sa Life’s Simple 7 ideal health behaviours and factors: body mass index, diet, physical activity, smoking status, blood pressure, blood glucose and total cholesterol. Ang mga resulta ng pag-aaral ay ini-report sa Mayo Clinic journal.
Nakakapagpahaba ng buhay si Bantay
Ayon kay Dr. Andrea Maugeri, ang research ay naglalayong matukoy ang koneksyon ng pag-aalaga ng aso sa kalusugan ng tao. Si Maugeri ay researcher mula sa International Clinical Research Centre sa St. Anne’s University Hospital sa Brno, Czech Republic.
“The study demonstrates an association between dog ownership and heart health, which is in line with the American Heart Association’s scientific statement on the benefits of owning a dog in terms of physical activity, engagement and reduction of cardiovascular disease risk,” ani Maugeri.
Paliwanag ni Dr. Francisco Lopez-Jimenez, hepe ng division of preventive cardiology sa Mayo Clinic sa Rochester, US at senior investigator ng nasabing research, ang pag-aalaga ng aso ay nagtutulak sa mga amo “ to go out, move around and play with their dog regularly”.
Dagdag pa ni Dr. Magueri, ang pag-adopt, pag-rescue, o pagbili ng mga alagang aso ay maaaring makapagpabuti ng cardiovascular health ng tao, basta’t ito raw ay magreresulta sa mas aktibong lifestyle.
Susuriin ng mga researchers ang mga datos na makakalap tuwing limang taon hanggang sa matapos ang pag-aaral sa 2030.
May mga pag-aaral ring ginawa na nagpapakita na ang pag-aalaga ng aso ay makakatulong sa ating emotional well-being.
Source: ScienceDaily.com