Health
PAG-IDLIP SA TRABAHO, MAKAKATULONG UPANG MAGING MAS KAPAKI-PAKINABANG NA EMPLEYADO
Para maging productive, kailangan ng tamang pahinga.
Katunayan, ayon sa mga eksperto kahit ang simpleng pagpa-power nap sa gitna ng trabo o habang break, ay malaki ang maitutulong sa ating kalusugan at pag-iisip.
Ngunit, paalala ng mga eksperto, mayroong tamang paraan ng pag-power nap o pag-idlip.
Ano nga ba ang mga paraan “On how to do it effectively?”
Una, the best time para mag-power nap ay pagkatapos ng lunch o sa kalagitnaan ng 1pm hanggang 4pm, 25-30 minutes lang ng power nap ay tama na upang maibalik ang nawalang energy sa katawan, after working so hard, and meeting deadlines.
Pangalawa, uminom ng kape o tsaa at agad na mag-power nap. Aabutin na 15-20 minutes bago umepekto ang caffeine sa katawan, kaya sakto lamang ito para makondisyon ang ating katawan for resting.
At sa oras na gising ka na, ikaw ay makakaramdam ng pagiging ‘alive and wide awake’, dahil sakto lang ang pagrock-in ng caffeine sa iyong sistema at ma-energize ang iyong pag-iisip at katawan.
At ang pangatlo at panghuli, Put power napping in practice. Hindi yung tipong kapag natripan mo lang o kung sumpungin ka lang.
I-schedule lamang ito at gawing habit o routine.
Isa itong paraan para ma-kondisyon an gating katawan sa tamang pamamahinga.
Paliwanag ng mga eksperto, malaki ang role ng pahinga sa ating sistema.
Hindi lamang upang makapag-pahinga, but also a way to become productive and efficient bilang empleyado every single working day.