Connect with us

Health

Pag-inom ng gatas makatutulong para labanan ang depression ayon sa eksperto

Published

on

Alam mo ba na nag pag-inom ng gatas ay nakakatulong para labanan ang depression?

Ayon kay Prof. Liezel Atienza, director ng Institute of Human Nutrition and Food at the University of the Philippines Los Baños (UPLB), nakakatulong ang Vitamin B-12 na nakukuha sa gatas na mag-promote ng healthy nervous function at nakakapag-regulate naman ng mood ng isang tao ang amino acids.

Kung nais raw ng isang indibidwal na maging lively at hindi maging depressed, makakatulong ang gatas.

Ang isang baso ng gatas araw-araw ay makakapagbigay ng ‘good stamina’ dahil mayroon itong calcium, protein, potassium at mga bitamina na kailangan ng ating katawan.

Ang palagiang pag-inom ng gatas ay makakatulong rin aniya na mabawasan ang tsansa na magkaroon ng colon cancer at cardiovascular diseases.

 

Continue Reading