Health
PAGHUGAS NG PLATO, MAINAM NA PANGTANGGAL NG STRESS
Isang gawaing bahay na lubhang inaayawan ng nakararami sa atin ang paghuhugas ng pinggan.
Ngunit, alam niyo ba na ayon sa pag-aaral, isa umano sa mabisang pantanggal ng stress ay ang paghuhugas ng pinggan.
Lumabas sa pag-aaral na ginawasa Florida State University, na kapag ginagawa ang paghuhugas ng plato ng may kasamang pag-focus ay nakakatulong upang mabawasan ng 27 percent ang ating nervous rate na isang sanhi ng emotional tension habang tumataas naman ng 25 percent ang mental health.
Ayon sa Harvard Medical School ang pag-focus ang unang hakbang upang i-cultivate ang ating mindfulness na isang therapy para maging mentally healthy.
Ang stress ay kadalasang sanhi na labis na pag-aalala ng isang tao.
Ayon naman kay Adam Hanley, isang Doctoral Candidate sa Educations Counseling and School Psychology Program sa Florida, kung matututunan nating mag-concentrate sa kasalukuyang gawain ay mai-aapply rin natin ito sa ibang pangyayari sa ating buhay.
Sa pamamagitan rin nito ay maibabaling natin palayo ang ating atensiyon sa mga negatibong bagay na nagreresulta ng stress.
Kaya huwag ka nang mainis kung uutasan kang maghugas sa inyong bahay ng mga plato dahil may magandang epekto naman ito sa iyong kalusugan.