Connect with us

Health

PAGTULOG NA PALAGING KATABI ANG ASAWA , MAY MASAMANG EPEKTO SA KATAWAN?

Published

on

Photo| https://www.nectarsleep.com/posts/couples-sleeping-styles/

Sa mga mister at misis natin dyan, nahihirapan ba kayong magtulog ng hindi magkatabi? Yung tipong hindi ka na sanay na hindi kayakap ang iyong asawa.

Alam niyo ba na lumabas sa isang pag-aaral na may masamang epekto sa physical at mental ng mag-asawa ang palaging magkatabi sa pagtulog.

Ayon kay Dr. Nerina Ramlakham mula sa University of Medical Center sa Ohio, ang madalas na pagtulog ng mag-asawa na magkatabi ay nakakatanda at nakakapangit ng itsura.

Aniya, karaniwan ito sa mga couples o mag-asawa na walang ‘sleeping compatibility’ kung saan ang iba ay naghihilik habang mababaw naman ang tulog ng asawa.

Dagdag pa rito ang pagsasalita habang tulog at pababalikwas naman ng asawa ng magdamag ay nakakapagpataas sa banta ng depresyon, sakit sa puso at maging sa paghina ng baga.

Kaya payo ng mga health experts, maaring matulog ng magkahiway ang mag-asawa, paminsan-minsan dahil nangangailangan din ng ating katawan ng pagsasarili lalo na sa mga panahon kailangang ma-restore ang energy upang maging lively ang ating katawwan.