COVID-19
Patuloy nag-dodominate ang Omicron variant kung saan umabaot na sa 18M ang kaso sa buong mundo – WHO
Umabot na sa 18 milyon ang bilang ng kaso ng Omicron variant sa buong mundo noong nakaraang linggo, ayon sa head ng World Health Organization (WHO).
Batay sa WHO, ang mga taong nakatira sa mga bansang may mababang vaccination rate ay mas mataas ang chance na magkaroon ng severe illness at kamatayan.
“The number of deaths remains stable for the moment, but we are concerned about the impact Omicron is having on already exhausted health workers and overburdened health systems,” sinabi ni Tedros Ghebreyesus sa coronavirus webinar sa ulat ng PNA.
“Make no mistake, Omicron is causing hospitalizations and deaths, and even the less severe cases are inundating health facilities.”
Sa mga bansa na nasa peak na ang mga kaso, nagbibigay ito ng pag-asa na ang “worst of the latest wave is over, but no country is out of the woods yet,” dagdag niya.
Pinatibay niya rin ang mga komento mula sa iba pang mga opisyal ng WHO na nagsalita sa webinar, na inuulit na ang karamihan sa mga ospital at namamatay sa coronavirus ay mula sa mga hindi nabakunahan.
Less severe, but not mild
“Omicron may be less severe, on average, of course, but the narrative that it is a mild disease is misleading, hurts the overall response, and costs more lives,” sinabi ni Tedros.
“The virus is circulating far too intensely with many still vulnerable.”
Ayon sa WHO chief, mananatiling critical level ang health workers at health sysytems sa iba’t ibang bansa sa sususnod na mga linggo.
Hinimok niya rin lahat na gawin ang kanilang makakaya upang mabawasan ang pagkalat ng infection para matulungang mawala ang pressure ng system.
“Now is not the time to give up and wave the white flag,” aniya.
“I am concerned that unless that if we change the current model, we’ll enter a second and even more destructive phase of vaccine inequity,” dagdag niya.
(PNA)