Connect with us

Health

PFIZER AT BIONTECH, MAGSASAGAWA NG TRIAL NG COVID-19 VACCINE SA MGA BATA EDAD 12 PABABA

Published

on

Larawan mula sa economictimes.indiatimes.com/

Magsasagawa na ng clinical testing ng COVID-19 vaccine ang Pfizer Inc at partner nitong BioNTech SE sa mga bata edad 12 pababa.  Layon nilang makapaglabas sa taong 2020 ng mga mga bakuna na angkop sa mga bata.

Ayon sa spokesperson ng Pfizer na si Sharon Castillo, binigyan na ng unang dose ang mga volunteer ng early-stage trial.

Kabilang sa mga sasailalim sa pediatric trial ay ang mga sanggol na anim na buwang gulang. Ang trial ay kahalintulad sa trial na inilunsad kamakailan ng Moderna, Inc.

Tanging ang Pfizer/BioNTech vaccine ang kasalukuyang ginagamit sa mga may edad 16 at 17 taon sa US.  Ang bakuna ng Moderna ay pinapayagang gamitin sa mga taong edad 18 pataas at wala pang bakuna laban sa COVID-19 ang otorisadong gamitin sa mga mas bata.

Kabilang sa mga unang plano sa Pfizer at BioNTech ay ang pagsusuri ng pagiging ligtas ng kanilang two-shot vaccine sa tatlong magkakaibang dosage – 10, 20 at 30 micrograms.  Aabot sa 144 na mga bata ang sasailalim sa Phase I/II trial.

Plano rin nilang palobohin sa 4,500 ang mga kalahok sa kanilang late-stage trial kung saan susuriin ang mga sumusunod: safety, tolerability at immune response na idudulot ng bakuna.

Ayon kay Castillo, layon ng mga  nabanggit na kumpanya na makalikom ng mga datos sa ilakawang bahagi ng taong 2021.

Samantala, nagsasagawa na ng testing ang Pfizer sa mga batang edad 12 hanggang 15. Ayon kay Castillo, inaasahang makakapaglabasna ng  datos ang kumpanya sa mga susunod na linggo.

Continue Reading