Health
Pilipinas inaasahang makakatanggap ng 1 million na AstraZeneca COVID-19 vaccine doses ngayong Hulyo
Kinumpirma ng AstraZeneca, na isang British pharmaceutical firm, na makakatanggap ang Pilipinas ng 1 million COVID-19 vaccine doses ngayong Hulyo, bilang bahagi ng usapan ng bansa at ng kumpanya noong Hunyo.
Sa isang pahayag galing sa AstraZeneca, susundan pa ito ng mga karagdadagang bakuna sa susunod na mga linggo at buwan. Ngunit hindi nabanggit kung kailan makakarating ang mga bakunang ito.
Dagdag pa nito, “on track” ang kanilang paghatid sa 16 million pang mga bakuna, kasama ang mga supplies na galing sa isang vaccine-sharing platform na COVAX at iba pang mga donasyon.
Ayon kay Sec. Carlito Galvez, nakatanggap na ang gobyerno ng 17 million na bakuna ngayong Hunyo galing sa nasabing firm.
“The latest delivery estimates for the Philippines demonstrate our continuing partnership with COVAX, the national government, Department of Health, local government units, and the private sector,” sabi ni Lotis Ramin, ang president ng AstraZeneca Philippines.
“AstraZeneca remains committed to working with COVAX and other global supply networks to ensure people have broad, equitable access to vaccines, regardless of where they live,” dagdag pa niya.
Sa ngayon, nakatanggap na ang bansa ng 2,556,000 doses ng AstraZeneca
sa pamamagitan ng COVAX.
“AstraZeneca is on track to deliver over 16 million doses and will support the delivery of millions more through COVAX and donations.”
Sa kasalukuyan mayroong ng 2,727,442 na mga Pilipino ang “fully vaccinated” at nakatanggap narin ng kanilang 2 dose.
Source: ABSCBN News