Health
Pilipinas kailangan pa ng 42.6 million COVID-19 vaccine para matugunan ang demand- Galvez
Mga 42.6 million doses ng COVID-19 vaccines pa ang kailangan upang matugunan ang demand para sa immunization sa Pilipinas, ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., ang national vaccine manager, ngayong Huwebes sa isang taped briefing kasama si President Rodrigo Duterte.
Hanggang sa ngayon, nakatanggap pa lamang ang Pilipinas ng 31.3 million doses, na kung saan sakto lang sa pag-inoculate ng 17.3 million individuals, habang ang projected number ng mga tao na eligible para sa vaccination ay umaabot ng 70.8 million, dagdag ni Galvez.
“Our gap, our lack, is still big,” sabi ni Galvez. “There’s a gap of 42.6 million between supply and demand. We are expecting to meet the demand over the supply in October.”
Bukod pa doon, kailangan rin ng national government dagdagan ang kanilang vaccine deliveries para matugunan ang demanda ng mga local government units (LGUs).
“We’re asking for the patience of the LGUs and provincial governors and cities because we really still have a shortfall of vaccines,” ayon kay Galvez.
“Although the deliveries are big in volume, in reality, if we open [vaccination] to all [priority groups from] A1 to A5 we have a big shortfall in vaccines in terms of actual doses,” dagdag pa niya.
Ayon sa vaccine czar, ang bansa ay inaasahan na magkakaroon pa ng 132 million COVID-19 vaccine doses- na maaring binili o naibigay- na darating sa susunod na anim na buwan.
Pero para ma-maximize ang mga available na supply, inirekomenda ng gobyerno na mag-focus muna sa immunization ng mga priority groups A1 to A3- mga medical frontliners, senior citizens, and persons with comorbidities- para makamit ang “population protection” kasama ang mga “vulnerable sector,” sabi ni Galvez.
Sa kabuuan, nakapag-administer ang Pilipinas ng 18.1 million doses ng COVID-19 vaccines, na kung saan 11.3 million dito ay ang mga first doses at ang mga iba ay mga second doses na.
Source: Inquirer.Net