Connect with us

Health

Pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19, naitala nitong Biyernes na umabot sa 17,231

Published

on

Highest daily count PH Covid19 case

Nalagpasan na ng naitalang bagong kaso ng COVID-19 na umabot na sa 17,231 nitong Biyernes ang pinaka-mataas na daily case count noong Abril 2, 2021 na 15,310, ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa DOH case bulletin, may kabuuang 1,807,800 kaso ng COVID-19 sa bansa, kung saan 6.8% o 123,251 ay aktibong kaso.

Halos 94.1% ng kabuuang aktibong kaso ay may mild na sintomas, 3.2% naman walang pinapakitang sintomas, nasa 1.2% ang may malalang sintomas, 0.86% ay nasa moderate condition, habang 0.7% ay critical ang condition.

May naitalang ring 26.1% positivity rate ang DOH mula sa isinagawang test sa 64,934 mga indibidwal noong Agosto 18.

Ayon sa World Health Organization ang positivity rate ay dapat manatiling mababa sa 5% upang maipakita na ang infection ay “under control.”

Umakyat rin ang kabuuang namatay sa 31,198, matapos may maitalang 317 karagdagang namatay sa sakit. Ang fatality count ay katumbas ng 1.73% ng kabuuang bilang ng kaso.

Samantala, may 5,595 ang gumaling, kaya ang kabuuang bilang ng mga naka-recover sa 1,653,351 o 91.5% ng kabuuang kaso ng COVID-19.

Sa buong bansa, 73% ng mga ICU beds para sa mga pasyente ng COVID-19 ay occupied na, habang 61% ng isolation beds ang ginagamit.

Ayon sa DOH may dalawang laboratoryo ang hindi nakasumite ng kanilang data sa COVID-19 Document Repository System kahit lahat ng laboratoryo ay operational noong Agosto 18.

Base sa data sa nagdaang 14 araw, ang dalawang laboratoryo na hindi nakasumite ng kanailang data ay nag-aambag sa 0.03% sa lahat ng sampol na na-test, at 0.08% sa lahat ng positibong kaso.

Mayroong namang 222 survivors ang ni-reclassify ng DOH – 221 ay inilipat sa fatalites habang ang isa ay aktibong kaso matapos suriin. May tinanggal rin silang 434 duplicates, kabilang dito ang 424 na naka-recover.

Ang mga record-high na bilang ay lumabas isang araw bago inilipat sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang National Capital Region.

Inilagay ng Inter-Agency Task Force ang Metro Manila at Laguna sa ilalim ng MECQ simula ngayong Sabado hanggang katapusan ng buwan.

With reports from CNN Philippines and Inquirer.Net