Connect with us

Health

Rollout ng Moderna Covid-19 vaccine nagsimula na sa Pilipinas

Published

on

Moderna Covid19 vaccine

Ang mga vaccine recipients sa Pilipinas ay nabigyan na rin ng Moderna COVID-19 jab pagkatapos i-roll out ito ng isang local government unit sa Metro Manila.

Nagsimula nang bakunahan ng San Juan City ang kanilang mga residente at manggagawa gamit ang Moderna, isang US-made jab, ngayong araw, June 30.

Ipinamahagi ng gobyerno ng San Juan City ang mga bakuna sa kanilang main inoculation site, ang FilOil Flying V Center.

Mayroong 1,800 na Moderna jabs ang nai-deliver noong Martes ng gabi, at ipapa-mamahagi ito sa mga grupong kinabibilangan ng A1 hanggang A5, o yung mga health workers, senior citizens, persons with comorbidities, economic frontline workers, at indigent Filipinos, sabi ng pamahalaang lungsod.

“San Juan City rented ultra-low freezers, which are on standby at the arena, so the vaccines can be properly stored on-site at -25C to -15C temperature,” sinabi ng public information office sa isang media advisory.

“The city health office already prepared and underwent training for the handling and inoculation of Moderna vaccines to its residents last week,” dagdag nito.

Ang bahagi ng Moderna vaccines ng San Juan ay nagmula sa paunang 249,600 na Moderna doses na dumating sa Pilipinas noong Linggo, Hunyo 27.

Ito ang pang-limang vaccine brand para sa inoculation drive ng Pilipinas, ang mga nauna ay, Sinovac, AstraZeneca, Sputnik V, at Pfizer-BioNTech.

Source: Rappler