Health
SAKANG O PIKI? KAIBAHAN NG MGA DEPORMASYON SA BINTI
Ang mga binti ang sumusuporta sa buong itaas na bahagi ng katawan kapag nakatayo ang isang tao.
Kaya naman nararapat lamang na ang pares ng binti ay manatiling tuwid, matibay, at malakas. Ngunit sa kasamaang palad, may mga pagkakataon na ang mga buto sa binti ay kumukurba at nagkakaroon ng depormasyon dahil sa ilang mga kondisyon at pagkukulang sa nutrisyon. At ito ay nagreresulta sa pagiging piki (knock-knee) o sakang (bow-legged) ng mga binti.
SAKANG (BOW-LEGGEDNESS)
Ang pagiging sakang, o genu varum sa terminong medikal, ay ang kondisyon kung saan ang mga binti ay kumukurba palabas na tila pana (bow). Kadalasan, ito ay dulot ng karamdaman o kakulangan ng nutrisyon sa katawan na pumipigil sa pagtigas ng mga buto sa binti. Sa kalaunan, ang buto ay bumabaluktot at humahantong sa pagiging sakang.
PIKI (KNOCK-KNEE)
Ang pagiging piki, o genu valgum sa terminong medikal, ay ang kondisyon naman na tumutukoy sa pagbaluktot ng binti paloob at kadalasang nagdidikit ang mga tuhod. Ito din ay dulot ng karamdaman o kakulangan ng nutrisyon sa katawan na pumipigil sa pagtigas ng mga buto sa binti.
Article: Kalusugan