Connect with us

Health

TAMANG ORAS NG PAGKAIN NG PRUTAS, ALAMIN

Published

on

Pagdating sa usaping pangkalusugan at masustansiyang pagkain, hindi nawawala ang prutas. Sa kabila nito, may iilan pa ring hindi mahilig dito.

Subalit kung talagang gustong magkaroon ng malusog at matikas na pangangatawan, mahalagang unawain ang maaaring maitulong ng prutas para makamit ito.

Mahalagang alamin kung kailan dapat kumain ng prutas. Kung matututunan ito, higit na matatanggap ng katawan ang benepisyo ng pagkain ng prutas.

Ayon sa parentingfirstcry.com, kung ikaw ay hirap makatulog sa gabi, makabubuting iwasan ang pagkain ng prutas sa gabi. Maaari kasing tumaas ang lebel blood sugar ng katawan at ang enerhiyang dulot asukal ay maaaring maging dahilan para mahirapang makatulog ang isang tao.

Maliban dito, mainam ding huwag isabay ang prutas sa pagkain. Hindi ito makakatulong sa digestion process. Makabubuting kumain ng prutas isang oras matapos kumain ng tanghalian o hapunan.

Narito ang mga prutas na maaaring ikunsumo ng regular dahil sa nagataglay ang mga ito ng Vitamin C, Vitamin E, Vitamin B5, and Vitamin B6:

Mansanas
Kiwi
Strawberry
Orange
Pakwan
Papaya
Saging
Bayabas

Maliban sa bitamina, ang mga prutas na ito ay mayroon ding potassium at folate.