Connect with us

Health

TIPS SA HIKA O ASTHMA

Published

on

Narito ang ilang kaalaman tungkol sa hika o asthma. Puwede ninyo itong subukan.

  1. Damihan ang sibuyas at bawang sa inyong pagkain. Ang mga ito ay may quercetin at mustard oil na pangontra sa enzyme na nagpapasimula ng hika.
  2. Ang pagkain ng maaanghang, tulad ng sili, ay nagpapaluwag sa daanan ng hangin sa baga. Ito ay may capsaicin na “mukokinetic” na nagpapaluwag ng plema sa baga.
  3. Kapag inaatake ng hika, subukan uminom ng ma­tapang na kape – black coffee. Ang caffeine ay parang gamot­ na theophylline na nagbubuka ng mga tubo sa baga.
  4. Kumain ng mga isda na mataas sa omega-3 fatty acids, tulad ng sardinas, tunsoy, tamban, alumahan, hasa-hasa, tuna at tanigui para makaiwas sa hika.
  5. Uminom ng Vitamin C tablet hanggang 1,000 mg kada araw o uminom ng calamansi juice.
  6. Mag-ehersisyo ng 3 hanggang 5 beses bawat linggo. Subukang mag-baras at palakasin ang mga braso, dibdib at likod para lumakas ang iyong paghinga.

Iwasan ang mga ito:

  1. Ang softdrinks ay nakakapagsimula ng hika, lalo na sa mga bata.
  2. Ang vetsin ay masama sa may hika. Mas maraming vetsin, mas malala ang atake.
  3. Alamin ang allergy at iwasan ito. Sa Pinoy, kadalasan ito ay pagkaing dagat tulad ng pusit, hipon, alimango, at mga mani, itlog at manok. Ingat din sa mga gamot tulad ng pain relievers at aspirin.
  4. Huwag kumain ng pagkaing nagpapakabag tulad ng beans, kasi lolobo at magkakaroon ng hangin sa tiyan. Baka mahirapang huminga.
  5. Iwas sa polusyon sa hangin. Ayon sa isang pagsusuri ni Dr. Gerard Hoek ng Netherlands, ang mga taong nakatira sa tabi ng mga highways o yung mga exposed sa polusyon ay mas maagang namamatay kumpara sa taong malinis ang nalalanghap na hangin. Umiwas sa maruru­ming hangin at lugar. Puwedeng magsuot ng mask para mabawasan ang usok. Good luck po.

Article: Doc Willie Ong

DISCLAIMER: The health advice in this site is only for general knowledge. For your specific questions, kindly consult your personal physician. Thank you.