Connect with us

History

DEC 2, 1982 – SA ARAW NA ITO, TATLUMPUNG TAON NA ANG NAKARAAN, TINANGGAL NI DR. WILLIAM DEVRIES ANG WASAK NA PUSO NI DR. BARNEY CLARK AT PINALITAN NG ISANG ARTIFICIAL NA PUSO

Published

on

Matagal na sumailalim sa steroid treatment Dr. Barney Clark kaya naman nagkaroon ng malalang sira ang kanyang puso. Naging marupok ito at napupunit na parang papel.

Dahil dito, madaling araw ng Disyembre 2, 1982 nang dahan-dahang tinaggal ng cardiothoracic surgeon na si Dr. DeVries ang puso ni Clark.  Pinalitan ito ng kaunaunahang artificial na puso na gawa sa aluminum at polyurethane at maaaring magtagal sa katawan ng pasyente sa napakahabang panahon.

Nagtagal ang operasyon nang pitong oras at napuno ang ospital ng mga reporter mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ang artificial na puso na ito na pinangalanang Jarvik-7.  Nakakabit ito sa isang 400-pound na air compressor na kailangang dalhin ni Clark kung saan man siya tumungo.

Nabuhay pa si Clark nang 112 araw matapos ang transplant bago bawian ng buhay sa edad na 62.

Marami man ang nagpahayag ng pagtutol sa transplant na ito dahil umano sa bioethic concerns at mala- Frankenstein na  aspeto ng operasyon, itinuturing ang pangyayaring ito na isang napakahalagang pangyayari sa mundo ng medisina.

Continue Reading