Connect with us

History

DIS 21, 2012 –KAUNAUNAHAN 1 BILLION VIEWS SA YOUTUBE, NAITALA NG GANGNAM STYLE MUSIC VIDEO NI PSY

Published

on

Binasag ni Psy ang play counter ng Youtube nang maitala ng music video ng kanyang hit song na Gangnam Style ang kaunaunahang 1 billion views sa Youtube.

Hindi nagtagal ay nahigitan pa ng nakakaaliw na Korean music video na ito ang noo’y maximum counter ng Youtube na 2.14 billion.

Taong 2012 nang kinaadikan ng mga manonood sa buong mundo ang music video ng Gangnam  Style ni Psy.

Wala yatang ang wedding reception o Christmas party ang idinaos na hindi ito pinatugtog o isinayaw ng mga bisita.

Syempre, sino nga ba ang hindi mapapaindak sa mga kwelang moves gaya ng ‘invisible horse dance’?  Sino ba ang hindi matutuwa sa mga eksenang tampok ang mga lifestyle ng mga mayayamang taga-Gangnam District sa Seoul, South Korea?

Ang Gangnam Style ay naging paboritong celebratory dance ng mga celebrity at atleta.  Isa sa  mga pinakasikat na selebrasyon ay nang sayawin ng buong West Indian team ang Gangnam Style matapos mapanalunan ang T20 World Cup sa India.

Kumita ang K-Pop viral sensation na ito ng $8 million na sa Youtube noong 2013, hindi pa kasama ang kita mula sa ibang platforms tulad ng Facebook, Instagram, atbp.

Ang mega-hit na kanta na ito ay nanguna sa listahan ng most-watched videos sa Youtube sa loob ng limang taon bago maungusan ng “See You Again” na music video ni Wiz Khalifa noong Hulyo 2017.

Sanggunian: https://www.firstpost.com/

Continue Reading