History
DIS 9, 1997 – PORMAL NA KINILALA NG ADMINISTRASYONG RAMOS ANG MAAARING MAGING AMBAG NG TRADISYUNAL AT ALTERNATIBONG MEDISINA SA PILIPINAS
Nang dahil mahal ang gamutan gamit ang kanluraning medisina, mas tinatangkilik ng mga Pilipino ang tradisyunal na medisina upang lunasan ang kanilang mga karamdaman.
At dahil kinikilala ni dating presidente Fidel V. Ramos ang maaaring maging ambag ng tradisyunal na medisina sa health and economy agenda ng kanyang administrasyon, nilagdaan niya ang Republic Act No. 8423 na bumuo ng Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care (PITAHC).
Ang PITAHC ay pag-aari at kontrolado ng pamahalaan (government-owned and controlled corporation o GOCC).
Nakakabit ito sa Department of Education at layong solusyonan ang mga pangangailangang pangkalusugan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng paglalaan at paghahatid ng ligtas, epektibo, at murang mga produkto, serbisyo, at teknolohiyang pangkalusugan.
Kabilang sa mga halamang gamot na kanilang pinag-aralan at pinroseo ay ang mga sumusunod:
- “lagundi” (para sa ubo at hika),
- “sambong” (para maiwasan ang pagkakaroon ng kidney stones),
- “tsaang gubat” (para sa sakit ng tiyan at madala na pagdudumi),
- “yerba buena” (para sa lagnat at sakit ng katawan),
- “niyog-niyogan” (para sa ascariasis),
- “bayabas” (panlanggas ng sugat upang maiwasan ang impeksyon),
- “akapulko” (para sa fungal skin infections),
- “ulasimang-bato” (para sa arthritis at gout),
- “bawang” (para sa pagpapababa ng kolesterol), at
- “ampalaya” (para sa diabetes mellitus).