History
NOBYEMBRE 29, 1720 – HINATULAN NG KAMATAYAN ANG DALAWANG BABAENG PIRATA NA SINA BONNY AT READ
Sa araw na ito, taong 1720, hinatulan ng kamatayan ang dalawang babaeng pirata na sina Mary Read and Anne Bonny matapos na makipaglaban – sa kabila ng pagiging babae – sa mga kawal ng British Army.
Si Read at Bonny lamang ang kilalang mga babaeng pirata na nabuhay sa Golden Age of Caribbean piracy. Sino ba ang dalawang matatapang na babae na ito? Bakit at paano sila naging mga pirata?
Si Anne Bonny ay anak ng isang may-ari ng plantasyon. itinakwil siya ng kanyang ama kaya’t sinunog niya ang kanilang taniman at tumakas papuntang Bahamas.
Si Mary Read naman ay nakasakay sa isang barkong pangkalakal nang agawin ito ng mga pirata. Upang manatiling buhay sa barko na puno ng mga pirata at lalaki, nagpanggap rin siyang lalaki at naging pirata. Doon niya nakilala si Bonny at ang nobyo nitong si Calico Jack Rackham.
Nang nahuli ng British Navy ang barko nina Anne at Mary, sila lamang dalawa ang lumaban habang ang mga lalaking pirata ay nagtago.
Nobyembre 29, 1720 nang silang lahat ay hatulan ng parusang bitay dahil sa pagiging pirata.
Hindi natuloy ang pagbitay kay Bonny at Read sapagkat sila ay kapwa buntis.
Kinalauna’y pinakawalan si Bonny was eventually samantalang namatay sa kulungan si Read.