Connect with us

History

NOBYEMBRE 30, 1863 – IPINANGANAK ANG AMA NG KATIPUNAN NA SI ANDRES BONIFACIO

Published

on

Sa araw na ito, taong 1863, ipinanganak ang Ama ng Rebolusyong Pilipino na si Andres Bonifacio.

Ipinagdiriwang nating mga Pilipino ang ika-30 ng Nobyembre ng bawat taon bilang pag-alala sa kapanganakan ng isa sa mga dakilang bayani ng ating bansa.

Isinilang si Bonifacio sa isang mahirap na pamilya sa Maynila.

Noong 1892, itinatag niya ang isang lihim na samahan at tinawag na Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (“Katipunan”).  Layon ng samahang ito na mag-aklas laban sa pananakop ng mga Espanyol.

Pinatay si Bonifacio sa Bundok Buntis noong ika-10 ng Mayo, 1897.

Ginugunita natin ang kapanganakan ni Bonifacio at hindi ang kanyang pagkamatay (gaya ng pagkilala kay Rizal) sapagkat siya ay ipinapatay ng Rebolusyonaryong Pamahalaang Pilipino at hindi ng mga Espanyol.

Continue Reading