Connect with us

History

PAANO NAGSIMULA ANG APRIL FOOL’S DAY?

Published

on

Taon-taon, ang ilan sa atin ay inaantabayan ang pagsapit ng April 1. Ito kasi ang araw kung saan ang lahat ay pwedeng, “it’s a prank!” Pero paano nga ba nagsimula ang April Fools’ Day?

Pinaniniwalaang nagsimula ang tradisyong ito noong 1582. Ito rin ang taon nang sinimulang gamitin ng bansang France ang Gregorian calendar mula sa nakasanayang Julian calendar, ayon na rin sa panukala ng Council of Trent in 1563.

Marahil ay hindi umano agad na nakarating sa iba ang balitang ito, o maaari ring hindi agad naunawaan ng ilan na nagsisimula na sa January ang bagong taon. Taliwas ito sa nakasanayang Julian calendar kung saan ang bagong taon ay nagsisimula tuwing April 1, hudyat din ng spring equinox.

Dahil dito, may iilang ipinagdiriwang pa rin ang bagong taon sa huling lingo ng March hanggang April 1. Naging tampulan sila ng tukso at pangungutya, at kalauna’y binasagang mga “April fools.”

Maliban sa panunukso, madalas ding ma-prank ang mga tinaguriang “April fools.”Halimbawa nito ay ang pagdidikit ng papel na hugis isda na kung tawagin ay “poisson d’avril” o April fish, sa likod ng isang “April fool.” Ang April fish umano ay sumasagisag sa isang bata at madaling mahuli na isda, gaya ng isang taong madaling papaniwalain.

Noong 18th century, ang April Fools’ Day ay tuluyang lumaganap at umabot na rin sa Britaninia, maging sa Scotland, at kalauna’y kumalat na rin sa iba’t ibang panig ng mundo.