Connect with us

History

TODAY IN HISTORY APRIL 12, 1961: SOVIET UNION, NANGUNA SA SPACE RACE LABAN SA ESTADOS UNIDOS NANG MAGPADALA NG KAUNA-UNAHANG TAO SA SPACE

Published

on


Narating ng tao ang kalawakan sa kauna-unahang pagkakaton noong Abril 12, 1961. Lulan ng spacecraft na Vostok 1, animnapung taon na ang nakalilipas, nang maganap ang makasaysayang paglalayag sa space ng noon ay 27-taong gulang lamang na si Yuri Alekseyevich Gagarin, isang Soviet cosmonaut.

Ang tagumpay na ito ni Gagarin at ng Soviet Union ay itinuturing na isang malaking sampal sa kanilang katunggali – ang Estados Unidos. Isang space race ang noon ay namamagitan sa dalawang bansa. Nakatakda sana ang unang space flight ng American astronaut noong May 1961, subalit naunahan sila ng Soviet Union nang lumipad si Gagarin, isang buwan bago ang nakatakdang paglalayag ng Estados Unidos.

Si Gagarin din ang itinuturing na kauna-unahang tao na naka-orbit sa mundo, habang sakay ng isang space capsule, bagay na hindi pa nagagawa ng Estados Unidos. Tumagal ang pag-orbit ni Gagarin ng 89 minutes. Napakaikling panahon lamang, subalit habang buhay na itong nakatatak sa ating kasaysayan.