Connect with us

History

TODAY IN HISTORY APRIL 13, 1997: TIGER WOODS, ITINANGHAL NA PINAKABATANG KAMPEON SA LARANGAN NG GOLF

Published

on

Itinanghal na pinakabatang kampeon si Eldrick “Tiger” Woods sa larangan ng golf, noong Abril 13, 1997. Ito ay matapos niyang ipanalo ang prestihiyosong Masters Tournament na ginanap sa Augusta, Georgia.

Sa edad na dalawampu’t isa, si Tiger Woods ay itinuring na “first person of Asian or African heritage to win a major tournament. Ang tagumpay niyang ito ay itinuring na “greatest performance by a professional golfer in more than a century.”

2 years old lang si Woods nang matutong maglaro ng golf. Bata pa lang ay hinihimok na siya ng kaniyang ama na magka-roon ng career sa larangang ito. Sa edad na walong taong gulang, ipinanalo niya ang kaniyang kauna-unahang junior world championship.

Dahil sa ipinamalas na husay, natawag niya ang pansin ng mga college recruiters. Taong 1994, pinili ni Tiger Woods ang Stanford University kung saan nabigyan siya ng golf scholarship, at kumuha ng kursong. Economics.