History
TODAY IN HISTORY MAY 11, 1956: IDINEKLARA NI TOMAS CLOMO NA PAG-AARI NIYA ANG KALAYAAN GROUP OF ISLANDS
Idineklara ng fishing magnate na si Tomas Cloma at ng kaniyang kapatid na si Filemon na pag-aari nila ang Kalayaan Group of Islands noong May 11, 1956.
Tinawag ni Cloma ang mga isla bilang “Free Territory of Freedomland,” at noong May 15, 1956, naglagay siya sa bawat isa ng “Notice to the Whole World” na nagsasaad ng kaniya umanong unwavering claim sa nasabing teritoryo.
Noong panahong iyon, ay hindi kasama ang Kalayaan Group of Islands sa kahit na anong standard maps kung kaya’t hayagang inako ni Cloma ang pagmamay-ari nito. Sa katunayan tinangka niyang magtatag ng sariling pamahalaan dito kung saan idineklara niya ang kabisera ang Flat Island na kilala ngayon bilang Patag Island.
Ang pag-akong ito ni Cloma sa Kalayaan Group of Islands ay nag-udyok sa ibang bansa na umalma rito lalo na ang bansang China. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pag aagawan ng Pilipinas at China sa teritoryo nito.