History
TODAY IN HISTORY MAY 17, 2004: ANG MASSACHUSETTS ANG KAUNA-UNAHANG ESTADO NA NAG-LEGALIZE NG SAME-SEX MARRIAGE
Pangarap ng bawat magsing-irog na iharap sa dambana ang taong minamahal. Paano kung sa tinagal-tagal ng pagiibigan, kailangan pa munang hintayin na maging legal ang lahat?
Yan ang kapalarang hinaharap ng bawat LGBT couples. Kaya naman, nagbunyi ang LGBT community ng saw akas ay pinangunahan ng state of Massachusetts ang pagle-legalize ng same sex-marriage.
Sina Marcia Kadish, 56, at Tanya McCloskey, 52, ng Malden, Massachusetts ang kauna-unahang same-sex partners na ikinasal sa Estados Unidos noong May 17, 2004. Noong araw ding iyon, ikinasal ang 77 pang same sex couples sa Massachusetts.
November 18, 2003 nang ipahayag ng Massachusetts Supreme Court na ang pagbabawal sa same-sex marriage ay unconstitutional. Hindi umano maaaring ipagkait ng estado ang proteksyon, benepisyo at obligasyong ipinagkaloob ng kasal sa same-sex partners na nais magpakasal.
May mga sumalungat dito, gaya ng legislative na handa umanong kilalanin ang civil union, pero hindi ang same-sex marriage.